05/15/21

Ang Suwi at ang Binatilyo (The Twig and the Boy)

Hindi ako marunong umawit
Ngunit kung ako ay marunong
Walang tamang salitang makapagbibigkas
At kung may salita, ito ba ay iyong maririnig?

Hindi ako marunong magpinta
Ngunit kung ako’y marunong
Walang kulay na maaaring gamitin
At kung mayroong kulay, ito ba ay iyong makikita?

Kung kaya kong ipahiwatig
Ang damdamin ng taong nakatira sa loob ko
Mararamdaman ba ng taong nasa loob mo?

Paano ba sasabihin
O lalapatan ng musika
O maiguguhit sa papel
Ang ma-detalyeng alaala
Pinaghalong pait at tamis na mula sa iisang panig ng kasaysayan
Gamit ang mga pahayag na hindi makapagsasa-larawan
Mga salitang hindi hustong makapagbu-bunyag
Sa walang kamatayang damdamin, na inasinan ng kasalukuyan
Mula sa panahong matagal nang naglaho

Parang isang puno na nagsasalaysay
Ng pait, mga lihim at ningning ng nakaraan
At ng taong ang naaalala lamang ay ang munting suwi
At ng puno na ang naaalala lamang ay ang munting binatilyo

Ikaw, ay hindi kung sino ka sa nakaraan
Ako, ay hindi kung sino ako sa nakaraan
At silang nakaraan natin ay namumuhay mag-isa
Nakakulong sa loob ng bawat isa sa atin
Nagpupumiglas, nananabik na abutin ang isa’t isa

Ngunit kailan man ay hindi na sila muling magtatagpo

At ang aking handog sa kanilang kasaysayan at siyang pangwakas na pahayag

Na bagamat hiwalay ang ating alaala
At ang naririnig lamang natin ay ang magkabukod na alingawngaw ng ating nakaraan
Kung sino ka at ako ngayon
Magkasama nating gunitain at ipagdiwang ng mataimtim at may katapatan
Ang busilak na alaala ng dati natin

At pagdating ng aking oras
Sa aking huling hininga
Isang panalangin ang tahimik kong sasambitin
Na kung tayo ay parehong wala na
Na sana ay wag makalimot ang langit
At nawa’y pagdugtungin nito, ang mga bagay na hindi natin mapagdugtong

Ang alaala ng puno at ng tao
Ang alaala ng munting suwi at ng binatilyo
Ang alaala natin

05/15/21

The Twig and the Boy (Ang Suwi at ang Binatilyo)

I can’t sing
And even if I can, I don’t have the right words
And if I have the right words
Would you hear it?

I can’t paint
And even if I can, I don’t have the right colors
And if I have the right colors
Would you see it?

If I can express this emotion
That the person inside me feel for you
Would the person inside you feel it?

How can one put in words
Or find the right melody
Or even draw on a paper
The intricacies
Of a bitter-sweet, one sided memory?
Using statements that only serve to misrepresent
Adjectives at best only approximate
Of undying emotions, seasoned by the present
From a time long gone

Like a tree telling a story
Of pains, secrets and splendor of what once was
And a man who only remembers the twig
And the tree who only remembers the boy

You, are not who you were
I, am not who I was
Yet who we were, once was
Now, live in solitude, locked up inside us
And though desperately trying to reach out for one another

They will never meet again

And for their story, let this be my epilogue

That though we remember separately
And only hear the echos of each other’s past
Together, the you and I of today
Let’s celebrate in reverie and camarederie
The sublimity of all that once was

And when the time comes
With my last breath
I would have but one last prayer
That when we are both no more
That the universe remembers for us
And piece together, what we could not

The memory of the tree and the man
The twig and the boy
You and I, who were, once was

11/15/20

Saang mundo

Pag-ibig ng aking kamusmusan
Naaalala ka, hindi makalimutan
Maraming taon man ang lumipas
Damdamin sayo’y ‘di kumukupas

Una pa lang kitang makita
Alam kong mahal na kita
Ngunit panaho’y di ayon sa atin
Kaya damdamin ko’y kinimkim

Ako’y lumuha, saksi ang Monumento
Minamasdan kita doon sa may MCU
Lihim na pag-ibig, pinakatago ko
Nagpanggap na puso ko’y bato

Maraming taon ang lumipas
Puso ko’y pinagtibay, pinalakas
Sabi ko, hindi na ako gaya ng dati
Walang sino man sa aki’y maka-aapi

Hinanap kita ng walang takot
Akala, puso ko’y di mo na masasakop
Ngunit isang sulyap lang sa iyong imahe
Gaya ng dati, lutang na naman ako sa ere

Windang na animo’y batang muli
Hindi mapakali, kinakausap ang sarili
Natatakot sa mga mangyayari
Dapat ba akong magsisi?

Muling nagbalik ang kirot sa aking puso
Dahil mula noon, hanggang ngayon
Sa nagdaang maraming taon
Ikaw pa rin ang mahal

Saang mundo ba maaaring maging tayo?
Sabihin mo at pupunta ako.
Pupunta ako ng walang pag-aalinlangan
Kahit ako’y muli pang masaktan

Paulit-ulit kitang mamahalin
Sa puso at isip mananatili ka sa akin
Noon, ngayon at bukas
Damdamin sayo’y hindi magwawakas