Ang Arkitektura ng Pag-lisan

Natutunan ko ang sining ng huwag magnais— kung paano itupi ang aking mga pangungulila na tila mumunting mga parisukat, at ilagay ito sa loob ng kahon kung saan walang matalas na nakakasugat at walang nakakakita.

Ang magnais ay kahalintulad ng tumayong malapit sa gilid ng riles habang papalapit ang tren. Parang ako’y hinihigop, maaaring dalhin ako ng hangin nito at masagasaan.

Kung kaya, natuto ako kung paano mag-paalam bago pa man dumating at bumati. Kinakabisado ko ang lahat ng labasan bago pa man ako pumasok sa pintuan.

Ito ang digmaang ginagawa ko sa mga tahimik na oras— sa pagitan ng aking kamay na nagnanais na ikaw ay maabot at ng kamay kong umuurong pabalik sa aking likod na nagnanais lumisan.

Dito ako gumawa ng aking tahanan, sa lugar ng “halos” at “muntik na”. Sa ilaw ng kalahating liwanag at kalahating dilim. Dito, walang sinuman ang maaaring mang-iwan, sapagkat ang pinto ay sarado para sa kung sino man ang darating.

Ngunit ikaw ay dumating at winasak ang pinto. Nag-a-anyaya at nagsasabing, “Halika, dito tayo sa labas, sa ilalim ng liwanag ng araw, kung saan nabubuhay ang lahat.”

At ako naman ay tila isang batang nakaupo sa isang sulok ng bahay, at nagsasabing, “Naaalala ko kung paano hampasin ng bagyo at maiwan sa lamig ng dilim.”
17726531185562

Ngunit kung minsan, iniisip ko, paano kaya ang mabuhay ng buong ningning at ganap na naiilawan ng sikat ng araw? Ano ang pakiramdam ng mayakap mo?

1772668505518

Paano matutunan na ang kailanganin ka ay hindi katumbas ng pagkalunod? Paano matutong lumangoy? Paano sumubok na maniwala na hindi lahat ng pinto ay patungo sa bangin, na ang ilan ay tungo sa isang kanlungan?

At ngayon ang munting bata ay nanginginig sa takot, tila naghihintay sa araw ng pagbitay. Nagsusumamo: yakapin mo ako ng mahigpit, akayin mo ako sa liwanag ng araw, huwag mong bibitawan ang aking kamay, hanggang sa maniwala ako… na dito sa piling mo, sa ilalim ng liwanag, ang tunay kong tahanan.
17726603555311